Thursday, September 10, 2009
Tuesday, September 8, 2009
Ka-anak ni FG, ‘PR Man’ ni Suansing sa Paggiba kay GMA?
Dagdag umano sa pagkapikon ng ilang grupo sa Palasyo laban sa dalawa ay ang pagkuha ng serbisyo ni Suansing sa isa umanong ‘PR man’ na kamag-anak ng First Family.
“The situation is that he has the gall to get the service of Pres. Arroyo’s relative to “work” on the media who are critical of her aunt, Sen. Santiago, and ‘persuade’ them to write instead of her tirades against the president and her government.
“Kamag-anak pa ni presidente ang ginagamit ni Suansing para “ayusin” ang media na suportahan ang mga pambabatikos ng kanyang tiyahin sa Malacañang.
“That’s the situation now and nobody here in the Palace likes it one bit,” ayon sa isang opisyal sa Malacañang na tumangging magbigay ng pangalan.
Noong isang linggo, sumabog ang balita na “nililigawan” ni Suansing ang ilang miyembro ng media, kasama na ang mga Senate reporters, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng magarbong tanghalian sa mga mamahaling restawran sa Mall of Asia.
Nagsimula umano ang imbitasyon ni Suansing pagpasok ng Agosto habang ang kanyang PR man na “nanliligaw” sa media ay may initial na “MA.”
Si Suansing ay naging deputy commissioner for enforcement group (DCEG) dahil umano sa “political accommodation” na nakuha ng kanyang tiya kay Pang. Arroyo noong Mayo.
Naging DCEG si Suansing sa bisa ng EO 805 na inilabas ng Malacañang mula sa pagiging ordinaryong customs collector sa Port of Manila.
Nataon naman ang libreng patanghalian ni Suansing sa media sa pagsisimula ng mga maanghang na pagbatikos ni Santiago kay Pang. Arroyo, sa kanyang pamilya at sa kanyang mga polisiya tulad ng eskandalo ng “magastos” na hapunan sa New York noong isang buwan, matapos ang pagbisita ni GMA kay US Pres. Barak Obama.
Bagaman kasama si Santiago sa US trip at iba pang mga biyahe ni GMA sa abroad sa nakaraang dalawang taon, hindi ito nakasama sa kontrobersiyal na hapunan na ginastusan umano ng $20,000 o halos P1 milyon.
Ani Santiago, dapat umanong mag-sorry si GMA sa publiko bunga ng insidente at hiniling din ito na “ipaliwanag” ang umano’y “paglobo” ng kayamanan ni GMA simula ng maupong presidente.
Noong isang linggo rin, itinaas pa ni Santiago ang pagbaterya sa Palasyo nang ipanukala nitong ibasura na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa kabila nito, pinuna naman ng Malacañang source na ang lahat ay bahagi ng plano ni Santiago na ibasura na ang partido ng administrasyon para sa muli niyang pagtakbo sa Senado sa susunod na taon.
Si Santiago ay tumakbo at nanalong senador sa ilalim ng ‘Unity Ticket’ ng administrasyon noong 2004 elections subalit “nanliligaw” umano sa Nacionalista Party (NP) ni Sen. Manuel Villar.
Noong isang buwan, sinabihan naman ng Malacañang ang NP na “mag-ingat” sa pagkuha kay Santiago dahil umano sa “political unreliability” ng mambabatas. SAKSI sa Balita Reportorial Team