Thursday, September 10, 2009

Tuesday, September 8, 2009

Ka-anak ni FG, ‘PR Man’ ni Suansing sa Paggiba kay GMA?



NAPIPIKON” na umano ang ilang opisyales ng Malacañang sa napabalitang “panliligaw” ni Bureau of Customs deputy commissioner Horacio Suansing sa ilang mga kasapi ng media upang isulat ang mga banat ng kanyang tiyahin na si Sen. Miriam Defensor-Santiago laban sa administrasyon at dedmahin ang mga kritisismo laban dito.

Dagdag umano sa pagkapikon ng ilang grupo sa Palasyo laban sa dalawa ay ang pagkuha ng serbisyo ni Suansing sa isa umanong ‘PR man’ na kamag-anak ng First Family.

The situation is that he has the gall to get the service of Pres. Arroyo’s relative to “work” on the media who are critical of her aunt, Sen. Santiago, and ‘persuade’ them to write instead of her tirades against the president and her government.

Kamag-anak pa ni presidente ang ginagamit ni Suansing para “ayusin” ang media na suportahan ang mga pambabatikos ng kanyang tiyahin sa Malacañang.

That’s the situation now and nobody here in the Palace likes it one bit,” ayon sa isang opisyal sa Malacañang na tumangging magbigay ng pangalan.

Noong isang linggo, sumabog ang balita na “nililigawan” ni Suansing ang ilang miyembro ng media, kasama na ang mga Senate reporters, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng magarbong tanghalian sa mga mamahaling restawran sa Mall of Asia.

Nagsimula umano ang imbitasyon ni Suansing pagpasok ng Agosto habang ang kanyang PR man na “nanliligaw” sa media ay may initial na “MA.”

Si Suansing ay naging deputy commissioner for enforcement group (DCEG) dahil umano sa “political accommodation” na nakuha ng kanyang tiya kay Pang. Arroyo noong Mayo.

Naging DCEG si Suansing sa bisa ng EO 805 na inilabas ng Malacañang mula sa pagiging ordinaryong customs collector sa Port of Manila.

Nataon naman ang libreng patanghalian ni Suansing sa media sa pagsisimula ng mga maanghang na pagbatikos ni Santiago kay Pang. Arroyo, sa kanyang pamilya at sa kanyang mga polisiya tulad ng eskandalo ng “magastos” na hapunan sa New York noong isang buwan, matapos ang pagbisita ni GMA kay US Pres. Barak Obama.

Bagaman kasama si Santiago sa US trip at iba pang mga biyahe ni GMA sa abroad sa nakaraang dalawang taon, hindi ito nakasama sa kontrobersiyal na hapunan na ginastusan umano ng $20,000 o halos P1 milyon.

Ani Santiago, dapat umanong mag-sorry si GMA sa publiko bunga ng insidente at hiniling din ito na “ipaliwanag” ang umano’y “paglobo” ng kayamanan ni GMA simula ng maupong presidente.

Noong isang linggo rin, itinaas pa ni Santiago ang pagbaterya sa Palasyo nang ipanukala nitong ibasura na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Sa kabila nito, pinuna naman ng Malacañang source na ang lahat ay bahagi ng plano ni Santiago na ibasura na ang partido ng administrasyon para sa muli niyang pagtakbo sa Senado sa susunod na taon.

Si Santiago ay tumakbo at nanalong senador sa ilalim ng ‘Unity Ticket’ ng administrasyon noong 2004 elections subalit “nanliligaw” umano sa Nacionalista Party (NP) ni Sen. Manuel Villar.

Noong isang buwan, sinabihan naman ng Malacañang ang NP na “mag-ingat” sa pagkuha kay Santiago dahil umano sa “political unreliability” ng mambabatas. SAKSI sa Balita Reportorial Team

Sunday, August 16, 2009

Saturday, August 15, 2009

Saturday, August 8, 2009

Monday, August 3, 2009

Saturday, August 1, 2009

BOMBA Page 8 August 2

BOMBA Page 6_7 August 2

BOMBA Page 5 August 2

BOMBA Page 4 August 2

BOMBA Page 3 August 2

BOMBA Page 2 August 2

JIMMY with Myrna Vere of Circulation Manager

JIMMY with columnist Pasky , proofreader Ian Carlos , partner lay out artist Jun and Nilo as photograper of SAKSI/BOMBA

JIMMY with Maroja De Asis, News Editor of SAKSI.BOMBA tabloid,(red attire)

JIMMY with ex-GF during his birthday party

JIMMY with photographer, columnists during chirstmas Party

JIMMY with Coritha of vocalsit ASIN Band met at NPC

JIMMY with PINOY HOTLINE ORGANIZATION members during first national meeting at Luneta Park, Jimmy , elected as Over all Vice President

JIMMY, with columnist,, reporters and circulation staff

JIMMY take a rest, eat favorite food lechon while busy lay outing BOMBA/SAKSI tabloid

JIMMY with Carlos Vidal, proofreader SAKSI/BOMBA

BOMBA/SAKSI all Staff & Management

JIMMy & JUN, as partner lay out artist

Jimmy and Mae o Circulation staff

JIMMY with Mae Paladan, office staff & Myrna Vere, Circulation Manager

PASIMULA

JIMMY SABERON, ay isang Lay out Artist sa pahayagang BOMBA at SAKSI sa balita. Isang nasyunal tabloid na may pang-araw araw na labas na nagsisikurlet sa buong pilipinas. Isa din siyang writer ng mga nobelang inilabas sa nasabing tabloid.
Siya rin ang nag lay out sa mga weekly na pahayagang PILIPINO TIMES, BIRADA , SIGASIG (base on Cavite) NEWSFLASH(Las Piñas)TORO(3rd batch under nightlife publishing) BANDERA PILIPINO, LENTE, LAMPARA, PALENGEKE EXPRESS, TULDOK, PILIPINO NEWS, BOGA (base on customs) PILIPINO TODAY AT ALASKADOR (base on customs).
Sa lahat ng mga kaibigan, inaaanyahan po kayong tangkilikin ang blog na ito na may kakaaibang impormasyon tungkol sa ating bansa.
Mahalaga sa lahat ang maging kaakibat tayo sa mga nangyayari sa ating lipunan bilang tunay na dugong pilipino.

SALAMAT!

BOMBA AGOSTO 1